Sign Up
Sabungero helps you connect and share with the people in your life.

Sabong: Bisyo o Diskarte sa Buhay

Maraming mga number games dito sa ating bansa. Ang iba ay legal at ang iba naman ay hindi legal. Ito ay isang uri ng sugal. Ang sabong, ang dog fight, ang Lotto o sweeptakes ay isang uri din ng sugal. Malimit ang sugal ay naging isang bisyo ng tao.

Sabong is one of the Filipino past time activity. After a weeklong hard labor, people tend to unwind themselves with sabong in the neighborhood. Madalas ang sabong ay isang week-end o holiday past-time.

Sabong_Bisyo_o_Diskarte_sa_Buhay.jpg


Ang mga taong hindi na makapagpigil sa sugal ay tinatawag na Sugarol. Ito ba talaga ay isang bisyo o diskarte o kaya an act of charity.

Bisyo ang sugal dahil hindi na mapipigilan ang pagnanasa na tumaya kahit gipit na sa pera at nagdudulot ng maraming “bad effects” sa buhay ng tao, sa kanyang pamilya, sa kasamahan sa trabaho o sa communidad.

Act of charity at libangan lamang ang sugal dahil hindi naman ito nakakapagdulot ng masama at ito ay paminsan-minsan lang.

Ang pagsusugal ay isang diskarte sa buhay at hindi isang bisyo. Diskarte dahil naniniwala ang isang tumataya o mananabong ng manok na kapag nanalo ito magkaroon ang biglaan at malaking halaga ng pera at makakabili ng mga gamit sa bahay.

Sa kwento ni Ria Aguilar “Tanggap naming na sugal ang Lotto at ito ay dagdag gastos sa pamilya, ngunit sa biglaang malaking pera kapag tumama ka ay mabili mo ang mga bagay na hindi mo mabili kaagad dahil kailangan pag-iipunan pa. Sa Lotto o ano mang sugal kapag nanalo ka, hawak mo na ang pera at makakabili ka kaagad. Kung mag-iipon ka pa, sa buhay naming, tiyak hindi ka makapag-ipon. Tulad ng tatay ko noong nanalo siya nakabili kaagad kami ng semento, yero, at naipagawa kaagad ang extension ng bahay at nakabili kami kaagad ng refrigerator, tv, cell phone at radio – kung pag-iipunan pa ang pagbili ng mga ito, tiyak siyam-siyam ang aabutin bago makapagpagawa ng bahay o makabili ng mga gamit. Higit sa lahat, ang mga mahalagang bagay sa panahon ng kagipitan ay maisasangla mo ang mga ito. (interview with Nanay Ria Aguilar Rubios, 41, May 18, 2012).

Source: http://tambay.ph/city-blogs/sabong-in-filipino-culture/
Topics: sabong, bisyo
Captcha Challenge
Reload Image
Type in the verification code above